| Subcribe via RSS

Be Right Back

July 18th, 2008 | No Comments | Posted in Uncategorized

Dang! Wala kaming net ngayon. Habang wala pa, pahinga muna ako. Ako’y muling magbabalik para maghasik ng maraming premade themes. Hehehe. Sa ngayon, habang nasa shop ako, magsusulat muna ako sa isang blog. Hehehehe ;) Secret kung saan. Ipopost ko na lang sa bulletin sa friendster. Heheheh (:

Diary

July 11th, 2008 | No Comments | Posted in diary, dorkstar, liham, love, lumbay, sleepless nights

Kelan ba uli kita makikita? Bakit kaya lagi akong umaasa na makikita kita…

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naadik sayo. Nakakainis dahil hindi ko alam kung anong meron sa mga mata mo at nung oras na nilingon mo ako e bigla na lang nagbago ang tingin ko sayo. Hindi naman ako naduling o nabulag. Bigla na lang akong may naramdamang kakaiba para sayo. Hindi ko sigurado kung ako ang tinignan mo o yung puting pader sa likod ko na hindi pala puti dahil dirty white. Hindi ko alam kung ako ba yung gusto mong lingunin o dun ka sa pader interesado. Teka, hindi ko sinasabi na interesado ka nga sakin ah, teka.. Bat ba ko nagpapaliwanag?

Di naman siguro to LOVE dahil nakakalimutan ko rin angkahibangan ko sayo kapag inaabot ng isang dekada ang paghihintay ko at wala pa rin gumuguhit na mukha mo sa mga mata ko. Kahit picture mo lang, naadik na ako. Ayaw ko ng tigilan. Gustong gusto kong tignan.

Teka, bakit ang lalim ng tagalog na ginagamit ko? Epekto mo ba to?

Hindi siguro.

Kelan uli kita makikita?

Magkikita pa ba tayo?

Kelan? Bukas? Next week? Month? Year? O hindi na?

Sabihin mo…

Ang mga nabasa nyo sa taas ay isa lamang sa mga nakasulat sa aking mahiwagang diary. Hindi ko sasabihin kong sino ang tinutukoy ko dyan dahil ayoko.

Tags: , , , ,

Tawagan ng Mag-Syota

July 7th, 2008 | 18 Comments | Posted in dorkstar, funny, impormasyon, kalokohan, katangahan, ligaya, love, pft

Wala lang. Nai-post ko kase to sa dating blog ko. E naitabi ko. Natawa ako nung nabasa ko uli.. Herks.

O eto na.

Hindi ko alam kung bakit ko sinusulat to.
Basta.

Bakit kaya pag merong magnobyo/nobya, kailangan pa ng tawagan?
Pwede namang name lang?
Tapos yung tawagan nila puro matatamis na pagkain.

Honey- at sino ka si Pooh?
Cupcake- lemon square?
Sweetie- talaga? gano katamis?
Gummy Bears -wth?

At kung anu ano pa.

Nakakasawa ng pakinggan ee.

Bakit kaya hindi sila magtry ng panibagong tawagan?
Yung makabago.
E kung gusto talaga nila ng sweet,
Bakit kaya hindi nila i-try ang:

Asukal,
Muscovado,
Macaroons
O kaya naman, Panutsa <-peyborit

Atlis bago sa pandinig. Hindi korni pakinggan.. Makakapagpasaya ka pa ng mga tao sa paligid mo. Atlis, pag nagtawagan kayo ng ganun sa public, hindi sila makokornihan o maiinis. Matatawa sila. O diba?

Ilan pa sa mga gasgas na tawagan ay yung:

Baby -hello? hindi na bata yun noh
Darling- ahm? mag asawa?
Heart- anu konek
Mine- anu patunay?
Angel- panu ka nakakasigurado. haha. anong klaseng angel? haha
Mamii/Dadii- Nanay mo sya? Tatay mo sya?

etc.

Bat kaya di nila i-try yung:

Tanda
Bruha
Isaw, Atay, Apdo
Yours,
Ninuno..

Para bago naman sa pandinig..Hindi laging yun ng yun.

Ano pa ba?

Eto pa, eto naman ang tawagan ng mga moderno, makabagong kabataan..

Pare- (guilty ako dito dahil ginamit ko to haha) Ang pagkakaalam ko, naging sikat ang tawagan na to dahil dun sa komersyal ng Sunsilk. Yung sila Drew Arellano at Happy. Si Pare. Nung naipalabas yun, nakigaya na yung mga gaya gaya. (kasama ako.)

Panget- hindi kaya nakakainsulto yun, lalo na kung talagang panget ang syota mo? Panget na nga pinagduduldulan mo pa?

Tae- (guilty na naman) baket. muka ba tae yung syota mo?

Boss- Handa ka na bang sundin lahat ng pinaguutos ng syota mo at handa ka bang ibigay lahat ng gusto nya? Ha?

Wala lang. Ang tamaan wag magagalit. Wala naman akong intensyon dito sa pagsusulat nito. Gusto ko lang ilabas yung nararamdaman ko (nakokornihan na kase ako.kase..). Tsaka maski ako naman tinamaan dito. Dahil ginamit ko rin ang ilan jan. Resulta lang to ng kalikutan ng isip ko. Wala lang.

Gaaah. [x

Tags: , ,